you are not seeking signs, nor reading the words i leave out for you to find. there's no need for my petty half-truths and lies, for you understand the true feelings i often try to hide.
i unlock this chest and lay bare this guarded heart. these words, i weave them into the color you painted on my monochrome world.
Ako:
*pinakita ang naninilaw na ID na may student number na 2005*
Ate sa 7-11:
Kailan ka pinanganak?
Ako:
October 8, 1988 *kumukunot na nuo ko sa kawirduhang naganap habang inabot na rin sa akin sa wakas ang DJ Mix Lemon. Lumingon ako sa iyo habang nagbabayad* Hindi ako mukhang twenty?
Ikaw:
Ayaw mo nun? Tingin nila mas bata ka.
Ako:
Sa bagay. Napagkamalan nga akong freshie sa PE di ba?
Ikaw:
Bibo ka naman raw kasi eh.
Ako:
Tapos wala raw sa hitsura kong nagyoyosi ako. Wala, isa kasi akong inosenteng bata.
Ikaw:
Sinungaling! Sinungaling ka! Mapagpanggap!
Ako:
Pero ganun ko nalalaman kung sino true friends ko di ba? Kasi alam nyo kung kailan totoo sinasabi ko at kung kailan ako nagpapanggap.